fighter
Linggo, Disyembre 25, 2011
fighter: isang paggunita...
fighter: isang paggunita...: Di ko alam kung pano ko sisimulan ang post na 'to, napakadaming salitang gustong buuin at sabihin... pano ko nga ba 'to sisimulan? hmmm eto...
Martes, Enero 4, 2011
isang paggunita...
Di ko alam kung pano ko sisimulan ang post na 'to, napakadaming salitang gustong buuin at sabihin... pano ko nga ba 'to sisimulan?
hmmm eto na magsisimula na ko... Nagbago na naman ang taon, dalawang taon na ang matuling nakaraan mula ng mangyare ang pinakamalaking pangyayare na gumimbal di lang sa buo kong pagkatao kundi sa lahat ng mga taong nakapaligid saken. Marami na ang nangyare, marami na din ang nagbago... Gabi noon, bago mag-alas syete taong 2008, ang gabi na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ko, sabi nga ang nagyare ay di na maibabalik pa sa nakaraan. Wala nang magagawa kundi tanggapin ang masaklpa na pangyayare. Akala ko sa pelikula ko lang makikita ang mga ganung eksena, "near death experience" ika nga. Ang bawat eksena ay parang hango sa isang maaksyon at puno ng trahedyang pelikula. At syempre ang bidang artista ay mabubuhay dahil sa katapangan nyang lumaban kay kamatayan. haha matapang nga ba? Ewan ko ba at saan ko nakuha ang katapangan at determinasyon ko para lumabang mabuhay. Napakadaming isipin ang pumasok sa aking isipan ng mga oras na iyon ng ako'y lulan ng ambulansya, (sinong magaakala na masasakyan ko yun?) hayyy. pero ganun na nga, un na nga ang nangyare ako ang lulan ng ambulansya na dati aking nakikita lamang nagmamadali upang makasalba ng isang kaluluwang gusto pang mabuhay. Sabi nila may sa pusa daw ako, astig daw haha, sa dami daw na balang tumama na yun, nakayanan kong tanggapin at eto ako buhay. Lubhang napakalakas ko kay Lord, di nya ko binigo, binigyan pa nya ko ng isa pang pagkakataon muling magsimula mula sa sobrang pagkagupo.
Talaga nga walang imposible Sa Kanya, noon kinikwestyon ko sya dahil sa sunud-sunod na mga paghihirap ng pamilya namen pero di pla dapat... Bagkus pasalamatan Siya sa bawat araw na tayo ay gumigising at
nakikitang masaya ang mga mahal naten sa buhay...
Salamat Panginoon sa bagong buhay na iyong pinagkaloob at sa Pamilyang patuloy na ngmamahal sa akin.
At sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin.
Salamat sa panibagong taon na andyan pa din kayo wlang sawang patuloy na bumubuo ng bawat paghinga ko. Salamat sa tawa, sa ngiti, sa halakhak, sa pagmamahal, at sa bawat pagluha na alam kong patuloy na magmamahal...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)